14th May, 2013

posted 5 days ago

sabi nga nila Kung gagawa ka ng effort, don’t ask something in return.

Kaya nga effort eh. “KUSA” hindi “OBLIGADO”

posted 5 days ago

Alam mo ba ibig sabihin ng TANGA?

»> isang mabuting tao na INAABUSO NG IBA

posted 5 days ago

yung nagselos ka sa dating litrato ng taong mahal mo, tapos sasabihin nya eh di wag mong tignan.

MASAKIT!!

posted 5 days ago

People always think that the most painful thing is losing the one you love in your life. The truth is, the most painful thing is losing yourself in the process of loving someone too much, forgetting that you are special too.

posted 5 days ago

minsan lang darating sa buhay mo yung taong gagawin lahat para sayo, mamahalin kahit imperfections mo, ipapakita at ipaparamdam kung gano ka nya kamahal ng walang hinihintay na kapalit. maswerte ka kung natagpuan mo na sya.
tanga ka kung papakawalan mo pa sya…

posted 5 days ago

Di lang nagawa ang gusto mo nagtatampo ka na?, Ikaw kelan ka ba nag effort para sa kanya? Oras mo nga lang halos kailangan ko pang mamalimos.

posted 5 days ago

Nakakainis naba ang pag aalala ko? Nakukulitan kana ba sa mga tawag ko?
Ayaw mo naba magbasa ng mga messages ko? Hindi mo naba gusto ang paglalambing ko? Sorry ha, eto kasi ako… eto AKO sobrang nagmamahal sayo

posted 5 days ago

yung moment na lagi kayong sweet sa isat-isa, lagi kayong masaya. nanumpa na hinding hindi kayo maghihiwalay kahit na anong mangyari. laging magkasama. naisipan mong mag palagay ng tattoo ng pangalan ng mahal mo. tapos nag break kayo?? anyare sa tattoo?


5th January, 2013

posted 4 months ago

Minsan habang PINAPARAMDAM mo na SOBRANG MAHAL mo ang isang tao, UNTI UNTI siyang MAGBABAGO sayo..

DARATING PA YUNG POINT NA HINDI KA NA NYA PAPAHALAGAHAN, DAHIL ALAM NYANG ISANG SORRY NYA LANG MABILIS MO SYANG MAPAGBIBIGYAN.

 #tagalog quotes

21st December, 2012

Third Eye

posted 4 months ago

“Nangangarap ka bang magkaroon ng THIRD EYE?”

Alam ni Sofie na mayroon siyang sixth sense. Ilang beses na niyang napatunayan ito. Bata pa siya ay nakakakita na siya ng mga multo sa paligid. Iba-iba ang anyo, may parang bilog lang na liwanag o tinatawag na orb, mayroong hindi buo, mayroong medyo buo pero translucent, at mayroong malinaw na multo. Pero dini-deadma niya. Natutunan niyang paglabanan ang kanyang takot sa mga ito sa paglipas ng panahon. At patuloy siya sa pagkukunwaring wala siyang ganitong abilidad. Ibig niyang maging normal lamang na gaya ng ibang kabataan.

Nagpatuloy ang pagtatakwil ni Sofie sa kanyang sixth sense hanggang sa magkolehiyo siya. At kahit papaano, nari-realize niya na okey lang na may ganoong abilidad kaya nagbabasa-basa siya minsan ng libro sa college library tungkol sa mga multo.

Nasa third year college si Sofie nang makilala niya ang isang babaeng multo na nagngangalang Evelyn. Hapon na noon at ayaw tumigil sa pagsusungit ang kalangitan. Panay ang buhos ng ulan. Naghihintay siya sa waiting shed sa harap ng eskuwalahan kasama ang tatlong estudyante nang biglang may tumabi sa kanya. Akala niya ay estudyante rin pero nang lingunin niya ay multo pala. Nakasuot ito ng unipormeng pang-estudyante at kilala niya ang eskuwalahang may ganoong uniporme.

Tumingin sa kanya ang babae. At napansin niyang maganda ito.

Ako…si Evelyn…Tulungan…mo…ako, pagmama-kaawa ng babae. Ang tinig nito ay naririnig lamang niya sa kanyang isip.

Napalingon si Sofie sa mga estudyanteng nag-aabang ring tulad niya saka muling binalingan ang babae. Nakayuko na iyon na parang pinanonood ang agos ng tubig-ulan sa gilid ng kalsada.

Humakbang palayo si Sofie. Pilit na dini-deadma ang babae. Mabuti na lang at may napara agad siyang tricycle. Dalidali siyang sumakay.

Akala ni Sofie, titigilan na siya ng babae pagkatapos niyon. Pati sa loob ng campus ay sinundan na siya sa library, sa rest room, at sa classroom. Ganoon pa rin, nagmamakaawa, humihingi ng tulong. Para tuloy siyang baliw dahil napapansin ng kanyang mga kaklase ang kanyang pagkabalisa.

Sa huli ay hindi na rin napigilan ni Sofie ang mainis.

“Puwede ba? Patay na kayo kaya manahimik na kayo!” naisigaw niya. Nasa ladies room siya noon at naghuhugas ng kamay nang bumukas ang pinto ng isang cubicle at lumabas si Evelyn.

Kailangan ko lang ng tulong mo.. .nakikiusap ako.

Kinalma ni Sofie ang sarili. Anong tulong?

Inilibing ako sa bakanteng lote sa likod ng eskuwelahan niyo. Hinahanap ako ng aking mga magulang.

Inilibing ka, nino?

Gusto ko lang malaman ng aking mga magulang kung nasaan ako para hindi na sila umasang buhay pa ako.

May narinig si Sofie na paparating na mga estudyante.

Ano’ng gusto mong gawin ko ?

Bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong estudyante. Lumabas si Sofie.

Nang sabihin ni Evelyn na puntahan niya ang mga magulang nito ay pumayag siya. Ibinigay sa kanya ni Evelyn ang isang kuwintas na magpapaniwala sa mga magulang nito na alam niya kung saan matatagpuan ang bangkay ni Evelyn. Sinamahan siya ni Evelyn. Nakauniporme pa siya dahil kalalabas lang niya sa eskuwela.

Ang nagbukas ay isang matandang katulong. Bumati si Sofie. Hinanap niya ang magulang ni Evelyn. Pinatuloy siya sa loob ng may kamahalang bahay. Kasama niya si Evelyn at parang noon lamang ito nakauwi sa bahay. Patingin-tingin sa paligid.

Nang makaharap ang mga magulang ay sinabi niyang patay na si Evelyn at kung saan makikita ang bangkay nito. Ayaw maniwala ng ina pero nang ibigay niya ang kuwintas ay humagulgol ito. Sinulyapan niya si Evelyn at nakita niyang nakatayo ito sa harap ng bintana, malungkot na nakatingin sa ina.

“Paano mo nalaman lahat ng ito?” tanong ng ama.

“Hindi ko po alam kung paano ko ipaliliwanag ang aking sarili pero noong isang araw ay lumapit sa akin si Evelyn. Humingi siya sa akin ng tulong.”

Hindi makapaniwala ang mga kaharap niya.

“Isa na po siyang multo!” dugtong ni Sofie.

“Sino raw ang gumawa sa kanya?” tanong ng ama.

“Ayaw n’ya pong sabihin?”

“Nasaan ang anak ko? Nandito ba siya? Gusto ko siyang makita,” tanong naman ng humahagulgol pa ring ina.

Sinulyapan muli ni Sofie si Evelyn. Tumango ito.

“Nandito po siya.”

Binuksan ni Evelyn ang bintana at pumasok ang sariwang hangin sa sala. Napalingon ang lahat, pati ang mga katulong na nakatayo sa paligid.

“Ang gusto lang po ng inyong anak ay mapanatag kayo para malaya na siyang makaalis.”

Umiyak na rin ang ama.

Kinabukasan ay kasama si Sofie sa bakanteng lote sa likod ng kanilang eskuwelahan. Nahukay nila ang kalansay na labi ni Evelyn. May mga ilang nakaunipormeng awtoridad ang nagsagawa ng imbestigasyon. At nang matapos ang pagkuha sa labi ni Evelyn ay nagpasalamat sa kanya ang ama nito. Nasulyapan ni Sofie si Evelyn sa may di kalayuan. Nakangiti.

Salamat…

Ginantihan ni Sofie ng simpleng ngiti si Evelyn

source:

www.hauntedpocketbooks.com

Killer Bridge

posted 4 months ago

Sa kahabaan ng expressway patungong norte ay nagkalat ang patrol car na ang trabaho ay upang pangalagaan ang mga motoristang dumadaan sa nasabing lansangan sa bahaging iyon.

Continuous monitoring ang ginagawa ng mga patrol officers upang ipaalam sa isa’t isa ang kalagayan ng trapiko. Isa sa mga traffic officer na ito si June. Sa patrol car, sparring partner niya si Oliver.

Isang hapon ay natimbrehan sina June at Oliver na may aberya sa isang tulay na sakop ng kanilang sona. Agad silang sumakay ng patrol car at nagresponde.

Naabutan nila sa punong tulay ang isang kotse. Dalawang lalaki ang nasa labas at sinisipat ang ilalim na bahagi ng sasakyan. Ilang hakbang mula sa nakatigil na kotse nila inihinto ang patrol car. Pagbaba nina June at Oliver ay agad nila itong kinausap.

“Ano’ng problema rito?” si June.

“Boss, sumabog ang gulong, e.”

“Hindi n’yo ba tsinek bago n’yo ginamit?”

“Iyon nga ang ipinagtataka ko, e. Kagagaling lang nito sa talyer. Ang sumabog na gulong iyong bagong palit pa. Bago iyong gulong na nadale. Mukhang may nagulungang matulis na bagay kaya nabutas.”

“Pare, kailangan ng back up. Mayamaya lang mag ko-cause ito ng traffic kapag hindi pa ito naalis dito. Bago pa magkaroon na naman ng aksidente rito.”

“Boss, saan ba ang pinakamalapit na talyer dito?”

Nagbalik si Oliver sa patrol car upang humingi ng back up. Alin sa dalawa, hihila sa kotse o kokontak sa pinakamalapit na talyer upang siyang gumawa sa sumabog na gulong.

Mukhang may kaya ang may-ari ng kotse. Kaya marahil mas gugustuhin nito ang umupa ng gagawa sa sasakyan kaysa ito mismo ang magpalit ng gulong na sumabog.

Sa loob ng patrol car, napakunot-noo si Oliver nang matuklasang hindi gumagana ang gadget na ginagamit nila upang kumontak sa headquarter. Sinubukang ayusin ni Oliver ang gadget ngunit bigo itong mapagana iyon. Saka lang nalaman nito ang dahilan nang sipatin ang koneksyon.

“Pag mamalasin ka nga naman, oo.”

Muling bumaba ng patrol car si Oliver. Lumapit sa noo’y nag-uusap na si June at ang lalaking may ari ng kotse.

“Pare, hindi ako nakakontak. Na-disconnect tayo.”

“Paano nangyari ‘yon?” kunut-noong tanong ni June. “Kanina lang nakatanggap tayo ng mensahe, ‘di ba?”

“Ewan ko. Disconnected, e.”

Iniwan ni June ang kausap at tinungo ang patrol car. Kasunod nito si Oliver.

Samantala, nang mga sandaling iyon ay iritado ang isa pang highway patrol officer. Dahil ilang minuto na nitong sinusubukang kontakin sina June at Oliver.

Naitimbre sa quarter na mayroong isang cargo truck a few kilometers away sa tulay na mukhang nawalan ng preno. Ito ang kasalukuyang sinusundan ng dalawang patrol car.

Tinimbrehan ang iba pang patrol car upang bigyang babala. Maliban kina June at Oliver na hindi nga makontak-kontak.

“Pambihira! Naglakwatsa ‘ata ang dalawang ‘yon. Ayaw sagutin.”

Ang totoo, may connecting tone na naririnig mula sa Head Quarters. Ngunit sa mismong patrol car nina June at Oliver ay disconnected ang gadget.

“Paano naman na-disconnect…”

Hindi na natapos pa ni June ang sinasabi. Napalingon sa likurang direksyon dahil sa narinig na kakaibang tunog. At ang sumunod pa doon ay ang pag-ilanlang ng nakangingilong tunog. Tunog na nilikha ng nagsalpukang bakal.

Nakapangingilabot na eksena ang natambad sa ilang saksing motorista na nagawang maihinto ang minamanehong sasakyan.

Ang rumaragasang cargo truck ay sumalpok sa patrol car na kinalululanan nina June at Oliver. Sumalpok din ang patrol car sa nakahintong kotse na pumutok ang gulong.

Nagmistulang accordion ang tatlong behikulo na pasadsad na bumalandra sa isang bahagi ng tulay. Halos mayanig ang buong tulay sapagkat nabasag ang isang konkretong bahagi nito sa lakas ng impact.

Saglit na katahimikan ang naghari. Saglit din lang at unti-unting dumami ang taong ibig mag-usyoso. Ilang patrol car na kasunod ng cargo truck ang mabilis huminto. Ang mga patrol officers ay mabilis na nagresponde.

Sa aksidenteng iyon, malubhang nasugatan ang dalawang lalaking sakay ng nasirang kotse. Tumilapon ito matapos masalpok ang kotse. Tinangkang tumakbo ng dalawa ngunit hindi pa nakalalayo’y nahagip din ng sasakyan.

Patay ang driver ng cargo truck. Ang isang kasama nito ay malubhang nasugatan. Si Oliver ay nasa fifty-fifty condition sa hospital at si June ay sinamang-palad na masawi sa mismong lugar na pinangyarihan ng aksidente, sa loob mismo ng patrol car na kinalululanan.

Minsan pang kumalat sa lugar ang iba’t ibang komento.

“Talagang killer ang tulay na ‘yon. Pang ilang aksidente na nga ba iyon sa taong ito? Hindi na mabilang. Talagang hindi titigil ang tulay hanggang walang nagbubuwis ng buhay kada taon.”

“Pinamamahayan na nga daw’ ata ni Kamatayan ang tulay na ‘yon. Sa dami na nang nagbuwis ng buhay sa aksidente ro’n.”

“Kung may daan nga lang na iba.. .totoong nakakatakot nang dumaan pa sa tulay na ‘yon.”

Makaraan ang ilang araw, lumabas ang investigative report sa naganap na sakuna Natuklasan na hindi disconnected ang patrol gadget para sa communication ng patrol car na gamit nina June at Oliver.

Siniyasat maging ang loob ng wrecked patrol car matapos sabihin ng naka-duty sa Head Quarter na hindi sinasagot ng dalawa ang tawag. Nang makausap matapos makaligtas sa panganib si Oliver, pinatotohanan nito na wala silang natatanggap na tawag dahil disconnected ang gadget Bagay na pinatunayan din mismo ng dalawang lalaking may ari ng nasirang kotse.

Sa mga nakakaalam ng katotohanang ito, ipinagkibit-balikat na lang ang kataka-takang sitwasyon. Ngunit may ilang nagsabi na sinadya iyon ng masamang ispiritu o ng diablo upang may magbuwis na naman ng buhay sa killer bridge.

source:

www.hauntedpocketbooks.com

24th August, 2012

posted 8 months ago

wazup #TUMBLR? been a long time huh. miss me?

31st May, 2012

posted 11 months ago

ang pusong sugatan e hindi kailangan tapalan lang para gumaling. kailangan mo din linisin yun kung hindi baka magkaimpeksyon at kumalat pa

30th May, 2012

posted 11 months ago
Bago ka pumasok sa panibagong relasyon..

Tanungin mo muna yung sarili mo

  • Handa ka na bang magmahal muli?
  • Handa ka na bang masaktan?
  • Handa ka na bang makipagsapalaran sa panibagong sugal sa buhay mo?
  • Handa ka na bang buksan ang puso mo para sa panibagong tao?
  • Napakawalan mo na ba yung taong minahal mo?
  • Matatag ka na ba para lampasan ang mga pagsubok sa inyong pagsasama?
  • Kaya mo bang maipangako sa sarili mo na siya na ang huling mamahalin mo?
  • Mahal mo ba siya o ginagamit mo lang para makalimot?
 

Copyright © 2009 Random Thoughts All rights reserved.
TumbleDesk Theme by Dave & Laptop Geek.